PINANGUNAHAN ni Secretary Rex Gatchalian, ngayong Biyernes Hulyo 25, ang pamimigay ng tulong sa mga jeepney driver na ilang araw nang hindi nakakabiyahe dahil sa baha sa mga kalsada sa Tayuman, Maynila.
Dahil sa magkasunod na Bagyong Crising, Dante, at Emong, na pinalakas ng habagat, hindi nakapamasada ang mga tusper ngayong panahon ng tag-ulan, kaya naman agad na nagpaabot ng family food packs ang DSWD bilang suporta sa mga apektadong drivers sa lungsod.
Alinsunod sa utos ng pamahalaan na tiyaking maihahatid sa mabilis na paraan ang lahat ng tulong sa mga sektor na labis na naapektuhan ng kalamidad.
Dahil sa matiding pag-ulan na nagdulot ng baha, maraming kalsada ang hindi madaanan dahilan para hindi makabiyahe ang mga tsuper.
Samantala, umabot na sa 431,875 na kahon ng family food packs ang naipamahagi ng ahensiya sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Crising, Dante, at Emong at habagat.
