TINIYAK ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na dadaan sa proseso ang napipintong pag-alis o pag-graduate ng 1.3 million households sa 4Ps.
Diin ni Tulfo, makakaasa ang mga miyembro na mag-eexit sa 4Ps na sila ay ili-link sa iba pang programa ng DSWD at iba pang ahensya upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad sa kanilang pamumuhay.
Nitong Martes, pinangunahan ni Tulfo ang pakikipag-usap sa ilang miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid (SNPP) upang bigyang sagot ang mga katanungan at agam-agam tungkol sa napipintong pag-exit ng 1.3 million households.
Ayon naman sa DSWD, nasa P15 billion na pondo ang maibibigay ng ahensya sa iba pang mga pamilya.
