NAKATUTULONG maghakot ng investors ang electronic business one-stop shop (e-BOSS) ng pamahalaan.
Ayon ito sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) dahil palagi anilang iniisip ng mga negosyante kung ano ang mas madaling paraan ng pagsasagawa ng investment sa Pilipinas.
Ang e-BOSS ay isang sistema na binuo para magkaroon ng automated business permitting at licensing systems.
Nakakapag-release na dahil dito ang mga lokal na pamahalaan ng tax bills, payments, permits, licenses, clearances, at iba pa sa paraang digital.
Nasa 11 mula sa 140 lungsod sa Pilipinas ang may e-BOSS system.
