EPICON 2023 sa MOA concert grounds, suspendido

EPICON 2023 sa MOA concert grounds, suspendido

INANUNSIYO ng Neuwave Events & Productions na suspendido ang naka-schedule sanang EPICON 2023 ngayong April 1 sa MOA concert grounds.

Hindi na idinetalye ng Neuwave kung ano ang dahilan ng pagkakasuspinde subalit ipinangako nito na magkakaroon ng panibagong schedule.

Nauna nang inanunsiyo na tutungo si Sandara Park para sa event na ito bilang host.

Makakasama rin ni Sandara ang kapwa dating 2NE1 member nito na si Minzy bilang performer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter