NAGSIMULA na ang exportation ng fresh Hass Avocado sa South Korea.
Setyembre 30, 2023 nang isagawa ng Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry (BPI), ang ceremonial send-off sa KTC Port Tibungco, Davao City.
3,040 boxes na nagkakahalaga ng $48,433 ang initial shipment.
Inaasahang darating ito sa South Korea ngayong Oktubre 8, 2023.
Hunyo 19, 2023 nang magkasundo ang DA-BPI at Department of Animal and Plant Quarantine Agency (DAPQA) hinggil dito at nitong Setyembre nagkabisa ang kasunduan.
