Globe, naghahanda na para sa SIM card registration ng kanilang mahigit 87.4 milyong customers

Globe, naghahanda na para sa SIM card registration ng kanilang mahigit 87.4 milyong customers

NAGHAHANDA na ang Globe Telecom para sa “historic” SIM card registration ng kanilang mahigit 87.4 million customers gaya ng ipinag-uutos sa bagong batas na SIM Registration Law.

Sa isang pahayag, sinabi ng Globe na sinimulan na ng National Telecommunications Commission ang mga konsultasyon na kailangan para sa pagbuo ng implementing rules and regulation ng nasabing batas.

Ayon sa Globe, sisimulan nila ang registration ng lahat ng SIM users kabilang ang physical at e-SIMs oras na maaprubahan ang IRR.

Sinabi nito na tinitingnan nila ang mga international best practices sa pagdesinyo ng kanilang SIM registration platform.

Oktubre 10, 2022 ng lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11934 upang tugunan ang paglaganap ng scam text messages.

Follow SMNI NEWS in Twitter