Golden State Warriors wagi laban sa Los Angeles Lakers

Golden State Warriors wagi laban sa Los Angeles Lakers

AGAD na nagpakitang-gilas ang Golden State Warriors sa kanilang debut game ng NBA preseason laban sa Los Angeles Lakers.

Sa first quarter ng laro, dikit pa ang kanilang iskor na nagtapos sa 32-31.

Sa second quarter, bahagyang naka-abante ang Golden State at naitala ang 7 points lead bago pumasok ang second half.

At sa third quarter, tuluyang inilayo ng Warriors ang kanilang puntos matapos magtala ng 40-25 score.

Sa huling labing dalawang minute ng kanilang game, nakabawi ang Lakers at natala ng 9-23 score ngunit dahil 22 points ang lamang ng Golden State, nagwagi pa rin ang koponan sa iskor na 111-103.

Tumulong sa panalo ng team si Moses Moody na gumawa ng 19 points sa loob ng 15 minutes game played.

Habang nagtala si Pat Spencer ng 12 points at 11 points si Buddy Hield.

Nag-ambag din ng 14 points si Steph Curry.

Para naman sa Lakers, pinangunahan ito ni Gabe Vincent na may 16 points habang hindi naglaro sina LeBron James, Luka Doncic, at Austin Reaves.

Sunod na makakaharap ng warriors ang Portland trail blazers sa Huwebes, Oktubre 9.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble