Alex Eala, ipinagmamalaki ang career-high No. 15 sa world rankings

Alex Eala, ipinagmamalaki ang career-high No. 15 sa world rankings

Ipinagdiwang ni Alex Eala ang pagtatapos ng 2026 season sa career-high na No. 15 sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings, mula No. 50 noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga naging tagumpay niya ang kampeonato sa WTA 500 D.C. Open at WTA 125 Birmingham Open, pati ang pagpasok sa 4th round ng Wimbledon.

Nagtapos din siyang runner-up sa Hong Kong Open noong Nobyembre 8 matapos matalo kay Claire Liu sa finals.

Makakasama naman ng fans si Eala sa kaniyang homecoming event sa Disyembre 8 sa Philippine Arena, kung saan magkakaroon siya ng exhibition match kontra Indonesian player na si Janice Tjen.

Sisimulan niya ang 2027 season sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand, sa Enero 4–10.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Twitter