NAG-donate si Hoshi ng K-pop boy group na Seventeen ng 100 million Korean won o katumbas ng 70K US dollars para suportahan ang konstruksiyon ng mga silid-aralan sa Laos.
Partikular na ibinigay ang tulong sa Luang Prabang Orphanage School.
Inanunsiyo ito ng organisasyon na Gyeonggi Community Chest of Korea nitong Disyembre 11, 2024 ngunit Nobyembre 4 pa nang isagawa ang donation ceremony sa Laos.
Hindi ito ang unang pagkakataon na namigay ng donasyon ang nabanggit na artist.
Noong nakaraang taon nga ay naging member at nagbigay na rin ng 100 million won si Hoshi sa Love Devotees Honor Society.