MAGDAMAG na nagtitipon-tipon ang ilang indibidwal at grupo sa makasaysayang EDSA Shrine simula nitong Martes, Nobyembre 26 hanggang 27, 2024.
Ito ay para suportahan si Vice President Sara Duterte.
Ayon sa ilang mga dumalo at nakiisa sa pagtitipong ito, hindi na katanggap-tanggap ang ginagawang panggigipit sa ikalawang pangulo at maging sa ilang opisyal ng Office of the Vice President.
Anila, maraming dapat imbestigahan sa mga nasa kinauukulan ngunit bakit tila ang OVP lang ang pinagtutuunan nila ng pansin.
Dapat din ayon sa supporters na tuparin ng administrasyong Marcos ang pangako sa bayan na P20 na kada kilo ng bigas at pagpapababa sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kung hindi naman matutupad ng administrasyon ang kanilang tungkulin para sa sambayanang Pilipino, mas mabuti na bumaba na lang ang mga ito sa puwesto.