Ilang kalsada sa Navotas, isasara sa Huwebes at Biyernes Santo

Ilang kalsada sa Navotas, isasara sa Huwebes at Biyernes Santo

NAG-abiso na ang lokal na pamahalaan ng Navotas City hinggil sa mga isasarang kalsada sa paggunita ng Mahal na Araw.

Nakasaad sa nasabing paalala na isasara ang M. Naval Street at North Bay Boulevard, simula C4 hanggang sa Lapu-Lapu Avenue, mula 6:00 pm, Huwebes Santo (March 28) hanggang 7:00 pm, Biyernes Santo (March 29).

Inaasahan na umano ng Navotas LGU ang pagdagsa ng mga turista sa Brgy. Bangkulasi kung saan makikita ang “Bahay ng Mahal na Señor.

Doon din makikita o mapapanood ng mga turista ang mga deboto na nagsasagawa ng penitensiya tuwing Semana Santa.

Dahil diyan ay inaabisuhan ang mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta upang hindi maabala sa kanilang biyahe.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble