APEKTADO ang ilang tourist site sa Naujan sa Oriental Mindoro dahil sa nangyaring oil spill ayon sa Department of Tourism (DOT).
Kabilang sa naapektuhan ng oil spill ay ilang Marine Protected Areas sa munisipalidad ng Pola sa Oriental Mindoro tulad ng KingFisher Reserve, St. John the Baptist Marine Sanctuary, Song of the Sea Fish Sanctuary, Stella Mariz Fish Sanctuary, Bacawan Fish Sanctuary, St. Peter the Rock Fish Sanctuary, at San Isidro Labrador Fish Sanctuary.
Apektado rin ang ilang beach resorts kabilang na ang Bihiya Beach, 3 Cottage, Long Beach K. I, Aguada Beach Resort, Oloroso Beach Resort, Munting Buhangin Tagumpay Beach Resort, at Buhay na Tubig White Beach Resort sa Oriental Mindoro.
Umabot din ang epekto ng oil spill sa munisipalidad ng Caluya sa probinsiya ng Antique partikular na sa tabing-dagat ng Sitio Sabang, Barangay Tinogbo, Liwagao Island, Barangay Sibolo, at Sitio Tambak sa Barangay Semirara.
Ayon sa DOT, kasalukuyang nagsasagawa ng coastal clean-up sa mga apektadong lugar bilang madaliang solusyon upang maiwasan ang karagdagang pinsala.