Imelda Marcos, inabswelto ng Korte Suprema sa pitong kasong graft

Imelda Marcos, inabswelto ng Korte Suprema sa pitong kasong graft

Binaligtad ng Korte Suprema ang 2018 conviction ni dating First Lady Imelda Marcos sa pitong counts ng graft kaugnay ng umano’y financial interests niya sa Swiss at Liechtenstein Foundations. Pinaboran ng SC first division ang appeal ni Ginang Marcos matapos mapag-alamang hindi napatunayan ng prosekusyon ang kanyang guilt beyond reasonable doubt.

Ayon sa korte, may seryosong problema sa ebidensya, partikular sa mga Swiss documents na hindi maayos na na-authenticate. Hindi rin tinanggap ng Supreme Court ang findings ng Sandiganbayan na ang mga foundation ay “businesses” na sakop ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ipinaliwanag ng korte na ang pagbubukas ng bank accounts, paglilipat ng funds at pagkita ng interest o investment profits ay hindi sapat para ituring na business ang isang foundation. Dahil dito, itinakda ng Korte Suprema na walang sapat na ebidensya para panagutin si Ginang Marcos sa pitong graft cases.

Follow SMNI NEWS in Twitter