Marcoleta, iginiit ang karapatang bumoto bilang senator-judge kahit detained

Marcoleta, iginiit ang karapatang bumoto bilang senator-judge kahit detained

Iginiit ni Sen. Rodante Marcoleta na maaari pa rin siyang bumoto bilang senator-judge sa impeachment trial ni VP Sara Duterte kahit siya ay nasa detention. Sa liham kay Senate President Sherwin Gatchalian at Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, sinabi ni Marcoleta na wala siyang preventive suspension kaya hindi nawawala ang kanyang legal capacity na bumoto.

Ayon kay Marcoleta, hindi awtomatikong nawawala ang pagiging senador ng mga detained, hospitalized, nasa ibang bansa o pansamantalang nagtatago dahil sa legal na kaso.

Iginiit ng senador na walang legal na hadlang para makilahok siya at ang iba pang senator-judges na may kaparehong sitwasyon sa impeachment trial. Samantala, sinuportahan ni Marcoleta ang ruling ni Escudero na 16 votes ang kailangan para ma-convict si VP Sara, dahil nakasaad sa Saligang Batas ang two-thirds vote ng lahat ng miyembro ng Senado.

Ngunit tinutulan ni Marcoleta ang pagkakatalaga kay escudero bilang presiding officer, na sinuportahan ng labindalawang senador noong June 3.

Follow SMNI NEWS in Twitter