BUMABA ng 17.26 percent ang index crime sa ikalawang bahagi ng taong 2023.
Batay ito sa Crime Research Analysis Center (CRAC) ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) mula Abril 24 hanggang Hulyo 30, 2023.
Kabilang sa mga krimen na bumaba ay ang murder, homicide, physical injury, robbery, theft, rape at carnapping.
Habang bumaba rin ng 17.11 percent ang iba pang violent offenses at 3.97 percent ang non-index crime.
Kapansin-pansin din ang pagbaba ng krimen sa Luzon sa 17.80 percent, Visayas sa 19.17 percent at Mindanao sa 13.18 percent.
