Isang ‘person of interest’ sa pagpatay ng SEAG medalist, minomonitor na ng PNP

Isang ‘person of interest’ sa pagpatay ng SEAG medalist, minomonitor na ng PNP

MINOMONITOR na ng Philippine National Police (PNP) ang isang ‘person of interest’ sa kaso ng pagpatay ng Southeast Asian Games (SEAG) double gold medalist na si Mervin Guarte.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng mga awtoridad na matagal nang magkakilala si Guarte at ang suspek ng kaniyang pagkamatay.

Posibleng may galit ang suspek sa biktima kung kaya’t nangyari ang insidente.

Matatandaan na noong Martes, Enero 7, 2025 nang sinaksak si Guarte habang natutulog sa bahay ng isang kagawad sa Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.

Alas kwatro y media ng madaling araw nangyari ang pananaksak.

Naisugod pa sa ospital si Guarte ngunit namatay lang din ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter