Kabataan Party-list, natatakot na mabisto sa umano’y ugnayan sa CTGs—NTF-ELCAC spox

Kabataan Party-list, natatakot na mabisto sa umano’y ugnayan sa CTGs—NTF-ELCAC spox

BINUBUO ng ACT Teachers Party-list, Gabriela Women’s Party, at Kabataan Party-list ang Makabayan Bloc ngayon sa Kongreso. Ang grupo ng mga kongresista na noon pa ma’y itinuturong operatiba ng communist terrorist groups (CTGs) na CPP-NPA-NDF.

Nitong Lunes, Hulyo 15, 2024 hinatulan si ACT Teachers Rep. France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na guilty sa kasong child abuse dahil sa pagbiyahe ng mga ito sa may 14 na mga kabataang katutubo mula Talaingod, Davao del Norte patungong Maco, Davao de Oro noong 2018.

Isang malaking tagumpay ito ayon sa tagapagsalita ng legal cooperation cluster ng NTF-ELCAC.

Nang tanungin naman kung paano ang mga kasama ni Castro sa Kongreso, isa sa mga nabanggit ni Atty. James Clifford Santos ang Kabataan Party-list.

Nakabinbin pa rin ngayon sa COMELEC ang petition upang kanselahin ang makakaliwang party-list na ito dahil ayon kay Atty. Santos, ilang beses aniya naghahain ng motion ang Kabataan na halatang delaying tactics.

Pero aniya, natatakot lamang ang mga ito na mabisto nang tuluyan.

“Natatakot ‘yun sila, ‘yung Kabataan Party-list na mag-present ng evidence ‘yung Republic dahil nga we really have a strong roster of witnesses who will be testifying kung ano ang nangyayari sa mga party-list na associated sa CPA-NPA-NDF. Natatakot sila na makapagsalita sa proper forum dahil it will be very damaging against them,” ayon kay Atty. James Clifford Santos, Spokesperson, NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster.

Ayon naman kay Atty. Marlon Bosantog, dating opisyal ng NTF-ELCAC at ngayo’y national coordinator ng IPRA Center, matibay ang mga ebidensiya laban sa Kabataan Party-list.

“There has been a plethora of evidence coming from testimonies of witnesses oath even during congressional and Senate investigation na ‘yung party-list nominees themselves sila, they were selected because they’re high ranking member and all nominees are high ranking members of the CPP-NPA-NDF,” ayon naman kay Atty. Marlon Bosantog, National Coordinator, IPRA Center.

May hamon din si Bosantog sa Kabataan Party-list, kung hindi totoo na sila ay bahagi ng teroristang CPP-NPA-NDF tulad ng mga patotoo ng dating mga kadre.

“’Yan ang challenge ko sa kanila. If you think that FRs (former rebels) si Alma Gabin for example, Kabataan Party-list founder ng Anak ng Bayan, precursor ng Kabataan Pary-list bakit hindi ninyo file-an ng kaso?” giit ni Bosantog.

Samantala, para kay Dr. Lorraine Badoy, dating tagapagsalita din ng NTF-ELCAC, dumating na ang araw upang maramdaman ng mga kinikilalang kaaway ng estado ang pangil ng batas at matuldukan na ang insurhensiya sa bansa.

“Dumating na ang araw nila. And it’s wonderful to hear this for a case like this to have happened. My faith in the judicial system is further strengthened. Because ang lakas ng loob nila, sila pa ang nagdedemanda, gamitin ang sistema na ito, ‘yung judicial process natin. We welcome it with open arms. We embrace it,” ayon kay Dr. Lorraine Badoy, Former Spokesperson, NTF-ELCAC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble