Kadiwa Centers na magbebenta ng P29/kilo na bigas, madadagdagan

Kadiwa Centers na magbebenta ng P29/kilo na bigas, madadagdagan

DADAGDAGAN pa ayon sa Department of Agriculture ang Kadiwa Centers na magbebenta ng 29 pesos per kilo na bigas.

Posibleng sa Huwebes, July 4 na iaanunsyo ang mga karagdagang Kadiwa Centers.

Binigyang-diin pa ni DA Asec. at Spokesman Arnel De Mesa na hindi lang ito available para sa vulnerable sector kundi maging sa general public na.

Mapapansing tatlong Kadiwa outlets sa Metro Manila lang ang unang nagbebenta ng 29 pesos per kilo na bigas.

Available lang din ito sa mga persons with disabilities, solo parents, senior citizens at indigenous people.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble