Kaso ng rabies sa bansa, tumaas—DOH

Kaso ng rabies sa bansa, tumaas—DOH

TUMAAS ang kaso ng rabies sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Halos mapuno na ng pasyenteng nakagat ng aso’t pusa ang bahagi ng San Lazaro Hospital.

Matatandaang nagbabala ang DOH sa panganib na dala ng rabies na nakukuha mula sa kagat ng hayop.

Sa bagong labas na datos ng ahensiya, nakapagtala na ang bansa ng 169 na kaso ng human rabies mula sa buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Ito ay 13 percent na mas mataas kung ikukumpara sa 150 na kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

As of May 11, ang Region XII (SOCCSKSARGEN) ang may pinakamaraming kaso ng rabies na nasa 21, sinundan ito ng Region IV-A (Calabarson) at Region V o Bicol area.

Sa 169 na kaso, 160 deaths ang naireport na nagresulta sa 94.67 percent case fatality rate.

Bineberipika pa naman ang status ng natitirang 9 na kaso nito.

Kasunod ng mataas na kaso ng rabies, nagpaalala ang DOH sa mga pet owner na dapat na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop kapag nasa tatlong buwan na ito at sa kada taon para maiwasan ang transmission ng rabies sa tao.

“Rabies is preventable, and vaccination is the most effective measure to protect animals and humans. Given the high percentage of cases involving dogs and cats, it is imperative that pet owners ensure their animals are vaccinated against rabies at 3 months old and every year thereafter. This not only protects the animals but also significantly reduces the risk of transmission to humans,” pahayag ng Department of Health (DOH).

Una nang sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nasa 22 milyong aso at pusa ang dapat mabakunahan para maiwasan ang pagkalat ng rabies.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble