BINIGYANG-diin ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na magsilbi sanang aral sa mga magulang ang sinapit ng dalawang kabataan na sina Jonila Castro at Jhed Tamano na naging kaanib ng kilusan na nasa ilalim ng CPP-NPA-NDF.
Ang dalawa ay pinaghahanap ng mga makakaliwang grupo dahil umano dinukot ng militar.
Pero ang militar iginiit na kusang lumapit at nag-surrender sa pamahalaan ang dalawa.
Ngunit sa press conference, araw ng Martes, nag-iba ang tono ng dalawa at balik sa linyahan ng makakaliwang grupo sa kabila ng una nilang nilagdaang mga salaysay na boluntaryo silang sumusuko sa gobyerno.
Para kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr., maging babala sa mga magulang ang pangyayari sa dalawang kabataan.
“How I hope that this situation will give also a warning to other parents and to others who might become victims of this movement, sana maging aware tayo,” saad ni PGen. Benjamin Acorda Jr., Chief, PNP.
Ayon pa kay PGen. Acorda na maging ang mga magulang nina Jhed at Jonila ay nalulungkot na makita ang kanilang mga anak na na-brain washed ng maling ideolohiya ng mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
“Based on the statement of the parents ng dalawa, ‘yung mga magulang nalulungkot that as they see and observed sa kanilang mga anak it appears that they brainwashed or influenced ‘yung mga bata” ani Acorda.
Pinaninindigan din aniya ng opisyal ang kanilang mga nakuhang impormasyon na miyembro ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF sina Jhed at Jonila.
NTF-ELCAC katuwang ang SMNI, hindi titigil sa layunin para sa kabutihan ng mga kabataan—Usec Torres
Kaugnay rito sa programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan, iniisa-isa ng executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Usec. Ernesto Torres ang sinumpaang salaysay ng dalawang rebelde na sina Jhed Tamano at Jonila Castro.
“Ang mga rason na sinabi nila ay ang panganib sa kanilang seguridad, personal na rason at iba’t ibang valid reasons, nahihirapan na sila sa kanilang kalagayan at siempre malayo sila sa kani-kanilang pamilya so sinabi rin ni Jhed na sumusuko sila sa otoridad dahil sa banta ng kapahamakan ng ibang grupo na galit sa amin,” ani Usec. Ernesto Torres, Exec. Dir., NTF-ELCAC.
Ayon kay Usec. Torres, patunay aniya ito na seryoso ang pamahalaan na tanggapin sina Jhed at Jonila na magbagong buhay.
Ngunit dismayado ang direktor dahil hindi tugma ang ikinilos ng dalawa sa kanilang sinumpaang salaysay.
“Gusto natin ipakita that they are safe and sound and very much willing to take the right path para mabago ang dereksyon ng kanilang buhay so we bunked on that but unfortunately bigla pong nagbago, siguro gusto nila ipakita sa audience siguro this was pre-planned. I dont know from the start para magkaroon po ng another propaganda sa kabila so very unfortunate hindi po nag matched ang kanilang action ‘dun sa kanilang sinumpaang salaysay,” dagdag ni Torres.
Gayunpaman sinabi ni Usec. Torres na magpapatuloy ang NTF-ELCAC katuwang ang mga partner agencies nito kasama ang SMNI sa layunin na mapabuti ang mga kabataan at hindi malinlang ng mga terorista.
“Pero tayo po dito sa NTF-ELCAC and all our partner agencies and supporters like kayo jan sa SMNI ay hindi po tayo titigil, ang primary concern pa rin po natin ay ang kabutihan ng mga kabataan,” ani Torres.