MAGSISILBING bagong coach ng Gilas Pilipinas Youth ang PBA Star na si L.A Tenorio.
Inanunsiyo ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) noong Martes, Nobyembre 19, 2024.
Pinalitan niya sa puwesto si Coach Josh Reyes na nag-resign ilang buwan na ang nakalipas.
Ngayong si Tenorio na ang magsisilbing coach ay naniniwala ang SBP na mas lalo pang mapapatatag ang performance ng mga kabataan sa larangan ng basketbol.