LCSP, nais pag-aralan muna ang window hours scheme bago ipatupad

LCSP, nais pag-aralan muna ang window hours scheme bago ipatupad

NAIS ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) na pag-aralan ang pagpatutupad ng window hour scheme.

Ani Atty. Inton, hindi maayos ang pagpatutupad nito at nahihirapan ang mga commuter sa patakarang ito.

Dagdag pa ni Inton, nalilito na ang mga commuter mula sa mga probinsya gaya ng Bulacan at Tarlac na nagta-trabaho rito sa Metro Manila.

Saad pa ni Inton, mahihirapan ang mga commuter na magpalipat-lipat at maaaring mag-hari ang mga kolorum.

Ipinanukala rin ni Inton na dapat ilagay sa probisyon para sa window hour scheme sa prangkisa ng mga bus kapag napag-aralan na ito.

Bukod pa rito, sinabi ni Inton na dapat isipin ng LTFRB ang kapakanan at kaligtasan ng mga commuter dahil willing na magbayad ang mga ito basta convenient lang ang biyahe.