Lindol na magnitude 5.0, naramdaman sa Surigao del Sur

Lindol na magnitude 5.0, naramdaman sa Surigao del Sur

Isang magnitude 5.0 na lindol ang naramdaman sa Surigao del Sur ng Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na naganap ang pagyanig 8:06 ng umaga.

At ito ay nasa humigit-kumulang 40 kilometro hilaga-silangan ng Marihatag.

Batay sa tectonic origin, ang lindol ay may lalim na 10 kilometro.

Bagama’t hindi malaki ang pagkasira sa imprastraktura, inaasahan ang mga aftershocks.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble