INILUNSAD ng Metro Manila Center for Health Development katuwang ng Department of Health (DOH) ang 10 araw na kampanya ng pagbabakuna laban sa mga sakit na karaniwang nakakaapekto sa mga sanggol.
Ayon sa DOH, layon ng vax-baby-vax routine catch-up immunization campaign ay upang pataasin ang kamalayan sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna sa mga anak nilang sanggol.
Ang kampanyang “vax-baby-vax”, na ilulunsad sa Lakeshore Hall sa Taguig City, ay naglalayong mabakunahan ang humigit-kumulang 137,000 mga sanggol na may edad 0 hanggang 23 buwang gulang na hindi pa nabakunahan laban sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna (VPDS).
Samantala kasama sa listahan ng mga VPD ang polio, tigdas, beke, rubella, diphtheria, at Hepatitis B.
