Magnitude 5.8 na lindol, tumama sa bahagi ng Isabela—PHIVOLCS

Magnitude 5.8 na lindol, tumama sa bahagi ng Isabela—PHIVOLCS

NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindol ang Maconacon, Isabela ngayong araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Base sa talaan ng ahensiya, tectonic ang naging origin ng lindol na may lalim na 42 kilometro.

Naitala ang Intensity V sa Penablanca, Enrile, at Tuguegarao City sa Cagayan.

Intensity IV naman ang naranasan sa Batac City sa Ilocos Norte.

Samantala, naramdaman ang Intensity II sa Pasuquin, Bacarra, at Laoag City sa Ilocos Norte.

Dagdag ng PHIVOLCS, maaaring asahan ang aftershocks sa mga nasabing lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter