PINURI ng isang ekonomista ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act ng administrasyong Marcos.
Ayon sa ekonomistang si Dr. Michael Batu, welcome development ang hakbang ng Marcos administration na magtatag ng Maharlika Investment Fund.
Narito ang mga positibong epekto ng panukala sa mga Pilipino batay sa post ni Batu sa social media.
Mga nakikitang pakinabang ng Maharlika Investment Fund:
Una, sa ilalim ng MIF, magiging mas efficient ang pagpapasya kung saan ilalaan ang mga assets ng mga GFIS. Sa ngayon kasi, kanya-kanya sila ng pagpasya kung saan nila ilalaan ang kanilang mga assets.
Ikalawa, dahil pinag-isa na ang pamamahala ng mga asset, mas madaling ma-mo-monitor ang performance nito sa merkado. Mas madali rin makita kung may corruption.
Ikatlo, pwedeng gamitin ang MIF upang makaakit ng mga foreign investment sa ating bansa at makalikha ng maraming trabaho. Halimbawa, maaring mag-invest ang Maharlika Investment Fund sa mga foreign corporations upang magtayo ng mga pabrika sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nagtayo na ng technical working group sa Kamara para pag-aralan ang panukala.
“Ito rin talaga ang iniisip ng ating Pangulo na he really wanted to set-up sa sovereign wealth fund. It could have been done via executive order but noong nag-usap sila sa LEDAC, ang sinabi nila it would be better to pass through the House as a bill para kahit wala na ang ating Pangulo ay nariyan pa rin ang sovereign wealth fund,’’ saad ni Rep. Sandro Marcos.
