UMABOT sa 219 na mag-aaral sa bayan ng Cordon ang nakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ito ay sa ilalim ng Bro-Ed Program ni Isabela Governor Rodito Albano III na layuning tumulong sa mga nais mag-aral subalit walang pantustos sa pag-aaral.
Pinangunahan naman ni Albano ang pamamahagi ng pinansyal kasama sina LPGMA Partlylist Representative Cong. Allan Ty at Cordon Mayor Lynn Zuniega.
Sa pahayag ng Gobernador nilinaw nito na hindi niya ginagamit ang Bro-Ed Program para sa kanyang maagang pangangampanya.
Dagdag pa ni Albano na bilang leader hindi nila magagawa ang mga ganitong programa kunga wala ang kooperasyon, at pagkakaisa ng lahat para sa kinabukasan ng mga mag-aaral.
Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Zuniega, kay Gobernador Albano at Vice Governor Bojie Dy sa suporta na kanilang ibinigay sa kanilang bayan.
