TARGET ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang mahigit sa 222,000 healthcare workers sa susunod na dalawang linggo.
Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong araw ng Lunes, Marso 8.
“Right now ang materlisted sa amin na health workers are 222,783 health workers all over the Philippines,”ayon kay Nograles.
“It looks like we’ll be able to complete this within a week or two. As far as the master listed health workers are concerned, now that we have both Sinovac and AstraZeneca, we’ll be able to complete these lists, names, healthcare workers who have been master listed whether or not they are senior citizens or younger,” dagdag ni Nograles.
Sa ngayon, umabot na sa 1.1 milyon ang dosis ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng bansa.
Matapos dumating sa bansa ang halos 39,000 karagdagang dosis ng AstraZeneca COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility kagabi ng Linggo, Marso 7.
Nakumpleto ng COVAX ang 525,600 dosis na unang bahagi ng alokasyon nito para sa bansa.
Unang dumating sa bansa ang 478,200 dosis ng AstraZeneca noong Marso 4.
Mula sa 1.1 milyong COVID-19 vaccine, 600,000 dosis ay mula sa Sinovac na binigay ng gobyerno ng China at 525,600 dosis ay AstraZeneca vaccine na binigay ng World Health Organization-led COVAX Facility.