Mahigit P6.4M, inilaan para mapagaan ang produksyon ng bigas – DA

Mahigit P6.4M, inilaan para mapagaan ang produksyon ng bigas – DA

HINDI bababa sa P6.4 milyon ang inilaan para sa pagpapagaan ng mga gastos sa produksyon ng palay na natamo ng mga magsasaka.

Ayon kay Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa na hindi bababa sa P5.32 milyong halaga ng hybrid seeds at P1.11 milyong halaga ng certified seeds ang ipinamahagi sa mga magsasaka na sakop ng National Rice Program (NRP).

Sinabi ni De Mesa na para sa wet and dry cropping season ngayong taon, layunin ng Department of Agriculture (DA) na ipamahagi ang mga de-kalidad na inbred at hybrid na binhi sa 15 rehiyon na sumasaklaw sa kabuuang 1.8 milyong ektarya.

Aniya bukod sa seed support, patuloy na nagbibigay ng tulong ang gobyerno sa pamamagitan ng fertilizer discount voucher program na nagbibigay ng karapatan sa mga magsasaka ng palay na nakarehistro sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture na magbawas ng presyo kapag bumibili ng pataba.

Follow SMNI NEWS in Twitter