Major airport projects target makumpleto sa 2027 para mapababa ang pamasahe

Major airport projects target makumpleto sa 2027 para mapababa ang pamasahe

Pinapabilis ng Department of Transportation (DOTr) ang expansion at rehabilitation ng mga pangunahing airport para makapag-accommodate ng mas malalaking eroplano at mas maraming pasahero.

Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, target makumpleto sa 2027 ang karamihan sa mga proyekto na inaasahang makatutulong para bumaba ang airfares.

Kabilang dito ang Busuanga Airport sa Coron, Palawan na magkakaroon ng 2,100-meter runway at mas malaking passenger terminal na kayang tumanggap ng hanggang 1,500 pasahero.

Palalawakin din ang Siargao Airport runway, habang ikakabit ang portable runway lights para makapag-operate ang mga flight kahit gabi.

Samantala, palalakihin ang capacity ng Laguindingan Airport sa Misamis Oriental mula 3.9 milyon hanggang 6.3 milyong pasahero kada taon.

Target namang matapos sa Disyembre ang Bukidnon Airport, na magbibigay ng direct air connectivity sa lalawigan at inaasahang magpapalakas sa tourism at economy.

Follow SMNI NEWS in Twitter