Manggagawa ng Apple Inc. sa Australia, nakatakdang magsagawa ng Christmas protest

Manggagawa ng Apple Inc. sa Australia, nakatakdang magsagawa ng Christmas protest

NAKATAKDANG magsagawa ng nationwide Christmas protest ang daan-daang manggagawa ng Apple Inc. sa Australia.

Rason ng mga ito ang panawagang magkaroon ng mas magandang working conditions gaya ng tamang oras ng trabaho at sapat na sahod.

Kasunod na rin ito sa naganap na pag-protesta ng mga manggagawa sa main iPhone plant sa China kung saan nagresulta ito ng production disruptions.

Ang nationwide protest ay nakatakdang isagawa alas tres ng hapon sa December 23-24 o Christmas Eve.

Ang mga araw at oras na ito ay madalas peak time ng sales ng mga produkto ng Apple gaya ng iPhones, relo at iba pa.