Mataas na opisyal ng CTG, nahuli ng mga awtoridad

Mataas na opisyal ng CTG, nahuli ng mga awtoridad

NAHULI sa pinagsanib-puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army ang isang mataas na opisyal ng communist terrorist group (CTG) sa Brgy. Poblacion, Monkayo, Davao de Oro.

Kinilala ni PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Romeo Caramat, Jr. ang nahuli na si Hannah Alcorin Hitgano, alyas Kat, 23 taong gulang.

Si Hitgano ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Davao City dahil sa kasong rebelyon at insureksiyon sa ilalim ng Article 134 ng Revised Penal Code.

Siya ay secretary general ng Anakbayan at cultural staff of youth sector ng Regional White Area Committee (RWAC), Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng 25th Infantry Battalion (25IB) ng Philippine Army sa Monkayo, Davao de Oro.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter