Inanunsiyo ng concert promoter na Ovation Productions ang ticket prices at seat plan para sa nalalapit na concert ni Hayley Williams, na inaabangan ng kaniyang mga tagahanga sa bansa.
Nagsimula na ang artist presale noong Nobyembre 18 at mag-uumpisa naman ang general sale ngayong Nobyembre 20 sa pamamagitan ng TicketNet.
Pinapayuhan ang mga interesadong manood na tingnan ang opisyal na ticketing channels para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbili ng mga tiket.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye ang mga organizer tungkol sa posibleng fan benefits.
Matatandaan na unang nakilala si Williams bilang vocalist ng bandang Paramore bago niya pinasok ang pagiging solo artist noong 2020 sa pamamagitan ng album na “Petals for Armor I.”
