Mayor ng Barobo, Surigao del Sur at kasamahan nito, sugatan sa pananambang

Mayor ng Barobo, Surigao del Sur at kasamahan nito, sugatan sa pananambang

Sa Surigao del Sur, sugatan ang alkalde ng lungsod ng Barobo kasama ang kaniyang close-in security matapos silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek sa Barangay Dughan nitong Martes ng hapon, Enero 3.

Tinamaan ng bala sa balikat si Mayor Ronito Martizano, 60-anyos, kasama ang kaniyang security aide na si Private First Class Kheven Mark Claridad.

Tinamaan din ang sinasakyan nilang Toyota Hi-Ace van.

Ayon sa mga awtoridad, nasa stable condition na ang alkalde at ang kaniyang security.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Barobo Municipal Police Station at Surigao del Sur Police Provincial Office, sakay si Mayor Martizano ng van mula sa Barangay Polong-Polong, Sitio Panaraga, Barangay Gamut nang pagbabarilin sila ng mga riding-in-tandem.

Lumabas din sa imbestigasyon na posibleng may kaugnayan ang pananambang sa utos ng alkalde na tuluyang ipatigil ang ilegal na tunnel mining operations sa lugar.

Bilang tugon, opisyal nang inactivate ang Special Investigation Task Group Martizano ng Surigao del Sur Police Provincial Office upang manguna sa imbestigasyon.

Gayunpaman, ang masusing manhunt laban sa mga suspek ay nagpapatuloy upang matukoy at madakip ang mga responsable sa nasabing insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble