Measles at rubella cases ngayong 2024, 5 beses mas mataas vs 2023

Measles at rubella cases ngayong 2024, 5 beses mas mataas vs 2023

LIMANG beses na mas mataas ang kaso ng measles at rubella ngayong taon kumpara noong 2023.

Sa record ng Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Abril 27 ngayong taon ay halos 2.3K (2,264) na ang naitala.

Kung ikukumpara noong 2023, nasa 400 (397) lang ang measles at rubella cases.

Maliban sa measles at rubella, tumaas din ang kaso ng pertussis sa bansa.

Kung nasa 44 lang ang kaso nito noong 2023 ay umabot na ng 2.1K (2,149) sa unang mga buwan ng 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble