IMINUNGKAHI ni Senator Sonny Angara ang pagsali sa mental at behavioral disorder sa primary care benefit package ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).
Ito ay matapos naiulat ng Department of Education na nasa 404 na mag-aaral ang nagwakas ng kanilang buhay, habang 2,147 na mag-aaral na ang nagtangkang magpakamatay at 775,962 ang humingi ng pagpapayo para sa mga mental health problems noong 2021. PhilHealth
Kasunod nito inihain ni Angara ang Senate Bill No. 920, na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 11036 o ang “Mental Health Act.”
Sa huli, sinabi rin ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, na ang Kongreso ay naglaan ng P4.029-B para sa mental health programs sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).
