Meralco, nagawang putulin ang 4-game winstreak ng Magnolia

Meralco, nagawang putulin ang 4-game winstreak ng Magnolia

NAGAWANG maputol ng Meralco Bolts  ang 4-game winstreak sa naging mainit at dikdikang laban nito sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum na nagtapos sa iskor na 86-84.

Dahil sa panalong ito, mayroon ng 5-3 win-loss record ang Bolts upang masungkit ang ika-6 na puwesto ng liga habang ang Magnolia naman ay mayroong 4-4 record.

Pinangunahan ni KJ McDaniels ang Meralco na may double-double performance na 19 points at 15 rebounds at ang free throws din nito ang naging dahilan upang hindi makapag-comeback pang muli ang Magnolia Hotshots.

Sinundan naman ito ni Chris Newsome ng 16 points para sa Meralco, at nag-ambag din si Aaron Black at Bong Quinto ng 13 at 12 points.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter