Pilipinas, hindi ‘consistent’ sa mga polisiya –Atty. Roque

Pilipinas, hindi ‘consistent’ sa mga polisiya –Atty. Roque

HINDI consistent ang Pilipinas sa lahat ng ipinapairal na mga polisiya.

Ito ang komento ni Atty. Harry Roque hinggil sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga Defense Ministers mula Estados Unidos, Japan, at Australia.

Aniya, may isang bahagi na pumayag ang Pilipinas na makasama sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na kabahagi ang China.

Subalit kung sa usapang Defense Policy naman ay tinuturing ng Pilipinas na kaaway ang nabanggit na bansa.

Ang RCEP ay isang Free Trade Agreement (FTA) ng 10-member countries ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) gaya ng Pilipinas, Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar Singapore, Thailand, at Vietnam.

Kasama ng ASEAN countries ang Australia, China, Japan, New Zealand at South Korea.

Iminumungkahi naman ni Roque na kung sa independent foreign policy at neutrality, dapat maging modelo ng bansa ang Switzerland na walang ni isang pinapanigan.

Follow SMNI NEWS in Twitter