Mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong linggo, mas mataaas ng 9%

Mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong linggo, mas mataaas ng 9%

NAKAPAGTALA ng 1,101 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa mula Pebrero 6-12.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 157.

Ang mga bagong kaso ay mas mataas ng 9 porsiyento kung ikukumpara sa mga kaso noong Enero 30-Pebrero 5 ayon sa Department of Health (DOH).

Sa mga bagong kaso, 2 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 98 na pumanaw kung saan 6 ay naganap noong Enero 30-Pebrero 12.

Follow SMNI NEWS in Twitter