KINUWESTYON ng ilang nursing advocates ang mga bansang nangrerecruit ng Pinoy nurses.
Saad nila? Ang mga banyaga ang umaani sa investment ng bansa sa training ng mga nurse.
Para sa nursing instructor na si Ejay, marami sa kanyang mga estudyante ang nagbabalak mag-abroad pagkatapos mag-aral.
Batid daw kasi ng nursing students ngayon ang magandang offer sa ibang bansa.
“I believe there are still students na gusto pa ring mag-stay dito sa Philippines but there are a lot of students din talaga na ang motivation nila kung bakit sila kumuha ng nursing is to go abroad. I think nagiging factor na rin yung competitive salary sa abroad,” ani Ejay Reantillo, Nursing Instructor.
Pati nga raw siya, inisip din noon na mag-abroad.
Lalo na’t overworked at underpaid ang mga nurse sa Pinas.
Pero, kelan nga ba nagsimula ang pag-alis ng mga nars?
“Nag-start ito way back 2002 at that the time that United Kingdom po ay nag-call na for the opening for nurses,” wika ni Melvin Miranda, President, Philippine Nurses Association.
“2003 to 2005, nag-start na yung opening natin or diaspora sa United States when most of the premier hospitals already projected na very few na sa kanilang locals ang nai-engaged sa education in nursing,” aniya pa.
Ayon kay Dr. Carl Balita na isa ring registered nurse, sinabi ng World Health Organization na hindi makatarungan ang massive hiring ng malalaking bansa sa mga healthcare worker.
Kagaya ng nangyayari ngayon sa Pilipinas.
“The WHO and the International Council of Nurses declared that it is unethical for developed countries to be siphoning, recruiting, poaching we call nurses or professionals of developing countries like the Philippines at the expense of its own human resource,” ayon kay Dr. Carl Balita, Nursing Advocate.
Kinuwestyon din nito ang developed countries sa pag-akit sa mga Pinoy nurse na mangibang bansa.
Lalo pa’t may kakayahan naman daw ang mga bansang ito na palaguin ang kanilang human resource.
At Pilipinas ang nawawalan ng health force sa kanilang ginagawa.
Ayon kay Balita, 1 is to ward ang ratio ngayon ng mga nurse.
Na ang dapat 10-15 nurse sa isang ward.
“You developed countries, don’t you have the resources to develop your own human resource? And why do you have actually to poach on our human resource who you know naman na very vulnerable because of the offer of their currency compared with our conversion rates? Are you capable of producing human resources for your own health requirements?” ayon pa kay Dr. Balita.
Sa Twitter, itinanggi ng German Embassy na pinipirata nila ang Pinoy nurses.
Ayon kay Ambassador Anke Reiffenstuel, nakikipag-ugnayan daw sila sa eskwelahan at ahensya sa recruitment efforts.
Ang alok ng German government, magandang pasahod, social services upskilling para sa Pinoy healthcare workers na magtatrabaho para sa kanila.
“Saan ka nakakita na estudyante pa lang ini-iskolar na, hindi kailangan ng experience pwede nang mag-abroad. Saan ka nakakita na ire-recruit ang estudyante natin ng nursing doon na magtapos sa kanila para pagka-graduate sa kanila na,” dagdag pa nito.
Samantala, bilang solusyon sa kakulangan sa mga nurse ay iminungkahi ngayon ang paggamit sa mga hindi nakapasa sa board exams.
At kung magtatrabaho man sila, dapat may superbisyon ng licensed professional.
“There’s something like 55-40% who did not pass. But they are trained, they are BSN graduates. Why not tap this niched human resource already trained? They already about how to care for patients, they know pharmacology, they know about the right ways how to handle the patients in the ICU,” saad ni Dr. Teresita Barcelo, Former President, Philippine Nurses Association.
“The country needs to push the panic button. We have to push the panic button because the feared unethical migration is in our midst,” dagdag naman ni Balita.
Batay sa datos ng Philippine Nurses Association, nasa 8,000-12,000 nurses ang umaalis sa bansa kada taon.
Bagay na ikinakaalarma ng grupo dahil nasa critical shortage na ang bansa.