KINUWESTIYON ng dating opisyal ng pamahalaan ang umano’y panggigipit ng ilang mambabatas sa mga isyu ng ilegal na droga sa Davao City.
“Ito po ang ginawa ni Marcos Jr. ay isang diversionary tactics doon sa mga kabulastugan niya na ginagawa ngayon, hindi lang diversionary kundi ‘yung hate niya sa mga Duterte dahil hanggang ngayon ‘di niya malampasan ang rating ni Duterte, mataas ang popularity, maganda ang ginawa, ‘yun ang kanilang nasa isip nila kasi ang isang tao, ang isang lider, presidente na walang magandang pag-iisp talagang ganun ang kanilang utak, uusigin, at uusigin ‘yung mga taong nakita nilang hahadlang sa kanilang grand plan,” pahayag ni Ben Ranque, Former DOE Undersecretary, Campaign Coordinator, MAD Movement.
Ito ang mabigat na pahayag ng dating undersecretary ng Department of Energy ng Duterte administration na si Ben Ranque at ngayon ay na ngunguna sa Marcos Alis Diyan (MAD) Movement bilang campaign coordinator, para ipagsigawan sa bawat mamamayang Pilipino na Marcos Alis Diyan!
Aniya, kapansin-pansin din diumano ang mga paratang ng ilang opsiyal ng Marcos administration sa mga Duterte na pawang kasinungalingan lang.
Kabilang dito ang umano’y pagpopositibo ng ilang pulis sa Davao City sa drug test ayon kay Congressman Ace Barbers na pinasinungalingan agad ng Davao City Police Office.
Tugon naman ni Ranque sa panawagang imbestigasyon sa naturang isyu,
“Narinig ko lang ah, nagkaroon ng salita, statement si Congressman Barbers, may mga taga-Surigao tumawag sa’kin sabi, niya bakit daw tatargitin ang Davao eh dito mismo sa city ni Congressman Barbers eh talamak na ang drugs pati sa Siargao sa Surigao del Norte.”
“Eh ngayon tinatarget ang Davao, bakit mo tatargitin ang Davao eh safest city ka, maganda ang record mo sa kriminalidad, bakit dun ka magpunta, puntahan niyo ang mga lugar ninyo,” giit ni Ranque.
Sa kabilang banda naman ay binigyang diin din ni Ranque ang mga pangunahing isyu na dapat na tinutugunan ng gobyerno, kabilang na ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya na lamang ng bigas na numero unong plataporma ni Marcos Jr. sa kaniyang pangangampanya noong 2022 elections.
“Alam mo kung titgnan mo ang puso ni Bongbong Marcos, wala siyang pagmamahal sa mga magsasaka at sa mga producers dito sa ating bansa, wala siyang pagmamahal, bakit iskul bukol siya eh,” aniya.
Ka Eric kay PBBM: Unahin ang ordinaryong mamamayan kaysa mga oligarko
Samantala, gigil na gigil naman si Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating CPP-NPA-NDF Intelligence Officer sa isa pang problema na pikit-mata ang administrasyon sa mga oligarkong makikinabang sa mga lupang una nang ipinagkaloob ng gobyerno sa pamamagitan ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA).
Aniya, tila mas binigyang importansiya pa ng gobyerno ni Marcos ang mga oligarko kaysa sa mga libu-libong residente ng Nasugbo, Batangas na mawawalan ng hanapbuhay, lupa, at kabahayan.
“Masakit po sa amin mga kalooban, humihingi po kami ng tulong na ‘wag kami paalisin sa aming tinitirikang bahay, papaano po ‘yung apo po namin sa tuhod, saan po kami pupulutin, saan po kami papupuntahin,” wika ni Narcissa Hermoso, Resident, Brgy. Aga, Nasugbu, Batangas.
“Kasi may opisina din dito ang Hacienda Roxas, para lang din maipakita namin na nagsasama-sama ang siyam na barangay ng sagguniang bayan at ng barangay opisyal na hindi lang kami nandito para humingi na rin ng awa sa kanila na sana naman pagbigyan ang hiling ng aming kabarangay,” ayon kay Vice Mayor Mildred Sanchez, Nasugbu, Batangas.
“Hindi po ikalulugmok at ikagugutom ng malalaking haciendero at panginoong may lupa kagaya ng pamilya Roxas na nagmamay-ari ng mga hacienda diyan sa Nasugbo Batangas kung aayusin ng Department of Agrarian Reform sa utos ng Pangulo ng bansa kung siya’y decisive, actual possession land ito, awarded previously, kung anuman ang isyu ng mga Roxas, mas uunahin dapat ng gobyerno dito ang kapakanan at kabutihan ng libu-libong kawawang magsasaka at ordinaryong mamamayan kesa ‘yung mga gusto ng Roxas na ma-reinstate ang property sa kanila,” giit ni Celiz.