Ligtas nang kainin ang mga lechon mula sa mga accredited na tindahan sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), ito’y kahit na 14 na shop sa La Loma ang isinara dahil sa pagpositibo sa African swine fever.
Sa kabila nito ay pinapayuhan ng BAI ang mga mamimili na bumili lamang ng baboy at produktong baboy sa mga lisensyadong establisimyento.
Sinabi naman ng ahensiya na dapat ipatupad ng mga lokal na pamahalaan, hog raisers, trader, slaughterhouses at retailer ang mahigpit na biosecurity measures upang maiwasan ang impeksiyon.
