Mga may trabaho noong November 2023, dumami—PSA

Mga may trabaho noong November 2023, dumami—PSA

TUMAAS ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho habang bahagyang bumaba ang bilang ng mga walang trabaho nitong Nobyembre ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala sa 96.4% ang employment rate nitong Nobyembre ng 2023.

Batay sa datos ng PSA, nadagdagan ng 1.83 milyong Pilipino ang may trabaho kung ikukumpara noong Oktubre.

“In terms of the number talagang significant ‘yung number month on month. Now of course nakikita naman natin na this is not just this month ng November, talagang pagka 4th quarter because of the holidays, maraming mga activities tayo,” saad ni Usec. Dennis Mapa, National Statistician.

Kabilang sa mga sektor na may pagtaas sa bilang ng mga may trabaho ay ang agriculture at forestry, construction, transportasyon, pangingisda at aquaculture at administrative at support service activities.

Mga walang trabaho noong November 2023, nabawasan ng 257-K

Bahagya namang bumaba ang bilang ng mga walang trabaho nitong Nobyembre kung saan naitala ang 3.6% unemployment rate.

Mas mababa ito ng 257,000 kung ikukumpara noong Oktubre.

“Ang 3.6 percent natin na unemployment rate ngayong November no ay, this is the lowest since April 2005,” dagdag ni Mapa.

Follow SMNI NEWS on Twitter