Mga Pilipino, patuloy na hinihikayat ng AFP na sumali sa Reserve Force

Mga Pilipino, patuloy na hinihikayat ng AFP na sumali sa Reserve Force

TAONG 1979 nang iprinoklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Setyembre 1 bilang Araw ng Laang-Kawal na naglalayong mapatibay ang Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Taong 1995 naman nang ginawa ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na isang linggo ang selebrasyon at tinawag na Linggo ng Laang-Kawal (National Reservists Week).

Layunin nitong makapagbigay ng kaalaman at suporta sa publiko para sa pagpauunlad ng AFP Support Force.

Ngayong taong 2023, isang buwan na ipinagdiwang ng Hukbong Sandatahan ang 44th National Reservists Celebration na may temang “AFP Reserve Force: Moving Towards Resilient Force Posture”.

Ang nabanggit na tema ay naglalarawan ng kakayahan at pagtugon ng Reserve Force sa mga banta at hamon sa seguridad ng bansa.

“This year we marked the 44th National Reservists Week with the theme “AFP Reserve Force: Moving Towards Resilient Force Posture” the theme highlights the AFP reserves forces capabilities and preparedness to respond to threats and challenges in the dynamic security environment” ayon kay MGen. Joel Alejandro Nacnac, Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs, AFP.

Base sa tala as of June 2023 na sa mahigit isang milyon na ang reserve force ng AFP sa nasabing bilang mahigit 900 libo ang army reserve, mahigit 64 libo naman ang Air Force Reserve, na sa mahigit 245 libo naman ang Navy/Marines Reserve habang na sa mahigit 10 libo naman ang technical administrative reserve.

Ayon kay MGen. Joel Alejandro Nacnac, ang Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs, ng Armed Forces of the Philippines na maaari pang madagdagan ang nasabing bilang ng mga reservists sakaling maipatupad na ang mandatory ROTC.

“If it will be mandatory madadagdagan ang population every year if we have the mandatory ROTC we expect 2million students of all universities of the land kung magiging mandatory po ‘yun” saad ni MGen. Joel Alejandro Nacnac, Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs, AFP.

Para naman kay MGen. Joseph Ferrous Cuison, commander ng Naval Reserve command na hindi sila nahihirapan sa pag-recruit ng mga papasok bilang reservist dahil maraming Pilipino aniya ang boluntaryong pumapasok.

“Hindi na namin problema actually ‘yung kung paano manghikayat ng volunteers marami talagang nag vo-volunteer and without even us telling them kung ano yung magiging benefits ng isang reservists, nalaman na lang nila once their joined kung meron man pero just for the sake of patriotism nagvo-volunteer sila” pahayag ni MGen. Joseph Ferrous Cuison, commander, Naval Reserve command.

Ngunit sa huli patuloy pa rin na hinihikayat ng AFP ang mamamayang Pilipino lalo na ang mga kabataan na sumali sa kasundaluhan bilang Laang-Kawal upang makapag serbisyo sa bayan at upang mahubog ang mabuting karakter ng isang Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter