Mas pinalakas ngayon ng kapulisan at kasundaluhan ang gun free campaign sa lalawigan ng Sulu.
Apat na baril ang boluntaryong isinuko ng mga sibilyan sa mga bayan ng Panamao, Luuk, at Tapul nito lamang Marso 22.
Ginawa ito bilang pakikiisa sa layunin ng pamahalaan na isulong ang gun free, rido free, at peace-centered na mga komunidad.
Sa Panamao at Luuk, tig-iisang high-powered rifle ang isinuko.
Naging posible ito sa tulong ng pinagsanib na operasyon ng militar, pulisya, at lokal na pamahalaan.
Sa Tapul naman, dalawang baril ang isinuko kabilang dito ang isang rifle at isang revolver.
Ito rin ang kauna-unahang boluntaryong handover sa nasabing bayan.
Ayon sa mga awtoridad, ang sunod-sunod na boluntaryong pagsuko ng mga armas ay malinaw na indikasyon ng tumitibay na tiwala ng mamamayan.
Ipinakikita rin nito ang suporta sa mga programa ng pamahalaan para sa kapayapaan at seguridad.
Binigyang-diin din ng mga awtoridad na mahalaga ang patuloy na pakikipagtulungan ng komunidad sa ganitong mga programa.
Layunin nitong mabawasan ang loose firearms at maiwasan ang karahasan sa lalawigan.
Patuloy ang panawagan sa publiko na suportahan ang mga inisyatiba ng boluntaryong disarmament.
Ito’y hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Sulu.
