Binigyang-diin ni Michelle Yeoh ang kahalagahan ng kabaitan, malasakit at pagkakaisa sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manonood sa Pilipinas.
Sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manonood, sinabi ni Yeoh na mahalaga ang pagpapanatili ng kindness at compassion o kabaitan at malasakit, lalo na sa pagharap sa mga hamon ng mundo.
Aniya, kailangang matutong magkaisa, magtulungan at makipag-ugnayan sa isa’t isa upang mapanatili ang pagiging makatao.
Tampok sa “Blade Runner 2099” ang karakter niyang si Olwen, isang Replicant na malapit nang matapos ang buhay at kailangang harapin ang isang huling misyon.
Ipapalabas ang lahat ng walong episode ng serye sa Prime Video sa November 25.
