SUMUKO ang isang miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group sa tropa ng 51st Infantry Battalion sa Lanao del Sur.
Ito ay kasunod ng pinaigting na intelligence at focused military operations sa lugar.
Kinilala ni Joint Task Force ZamPeLan commander Brigadier General Antonio Nafarrete ang sumuko na si alyas Mas’od, 20 taong gulang na ibinaba ang kanyang 7.62mm M14 rifle.
Si alyas Mas’od ay dating miyembro ng 124th Base Command, North-Western Mindanao Front ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nawala siya sa grupo noong 2019 matapos mawalan sa kanya ng tiwala ang MILF Commander dahil sa pagkakaugnay niya sa Daulah Islamiyah.
Samantala, pinuri ni AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) acting commander Brigadier General Arturo Rojas ang kahanga-hangang tagumpay ng Joint Task Force ZamPeLan at tiniyak na patuloy silang magiging matatag sa pagganap sa kanilang tungkulin.