MPD, nakahuli na ng 5 violators sa gun ban

MPD, nakahuli na ng 5 violators sa gun ban

UMABOT na sa lima ang arestado ng Manila Police District (MPD) kasunod ng kanilang ginagawang check point para sa implementasyon ng gun ban.

Ayon kay MPD Director Brigadier Gen. Andre Dizon, sa lima, tatlo dito ay nakuhanan nila ng patalim habang dalawa ay may dalang baril.

Paalala ni Dizon, bawal ang pagdala ng armas, baril o pampasabog kaya huwag na aniya magdala nito kung hindi awtorisado o exempted sa umiiral na gun ban.

Giit pa nito na magtuluy-tuloy hanggang election period ang kanilang pagbabantay sa mga daan.

Matatandaang noong Agosto 28 nang sinimulan ng MPD ang paglalagay ng check point para sa pagpapatupad ng gun ban kasunod ng election period ng Brgy. at SK Elections.

Follow SMNI NEWS on Twitter