Mpox cases naitala sa 3 lugar sa Mindanao

Mpox cases naitala sa 3 lugar sa Mindanao

UMABOT sa 15 kaso ng monkeypox (Mpox) ang naitala sa tatlong lugar sa Mindanao.

Sa probinsiya ng South Cotabato ay kumpirmadong nasa 10 ang kaso ng Mpox.

Nasa tatlong pasyente naman sa probinsiya ng Sultan Kudarat at dalawang kaso sa probinsiya ng Maguindanao del Norte.

Ang Mpox virus ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact.

Maaari ding mahawa sa pamamagitan ng mga bagay na kontaminado ng virus.

Mahigpit na ipinapayo ng mga eksperto ang tamang kalinisan sa katawan, kabilang na ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig upang maiwasan ang impeksiyon.

Kabilang sa mga sintomas na dapat bantayan ay ang pagkakaroon ng pantal sa balat na maaaring tumagal ng dalawa hanggang apat na linggo, pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, panghihina, at pamamaga ng kulani.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble