NAPILI ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na pagdausan ng ‘’Kalinisan Tatag ng Bayan’’ ang Municipal Tree Park sa Barangay Arorogan, Marihatag, Surigao del Sur.
Ang nasabing tree park ay isa sa tourist destination ng probinsiya ng Surigao del Sur.
Nagkalat ang mga basura sa baybayin ng nasabing parke dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng basura kahit saan.